Posts

Showing posts from June, 2024

Unang Tanghal Panitik, Gaganapin sa Cab C!

Image
      Ang Samahang Lazaro Francisco (SLF) ay itinatag sa ating siyudad noong Hunyo 2019 upang magsilbing daluyan at sanayan ng mga nagnanais maging manunulat at mahasa ang kanilang panulat alinsunod sa namamayaning pambansang pamantayan ng Ortograpiyang Filipino. Pamamaraan ito ng samahan upang panatilihing buhay ang diwa ng pluma at musa ni Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan Lazaro Francisco. Kontribusyon din ito ng samahan para lalo pang mapalakas ang sining at panitikan dito sa ating lokalidad.   Mula 2019 ay ipinagmamalaki ng SLF na nakapaglunsad na ang samahan ng dalawang Gawad Lazaro Francisco, apat na Palihang Lazaro Francisco, at nakapaglimbag ng mga sumusunod na antolohiya ng mga malikhaing akda: SARO 1-3: Pampanitikang Diyornal ng Samahang Lazaro Francisco (2019), Solidagro: Anto sa Yugto ng Pandemiko (2020), Nostalgiya: Antolohiya ng mga Tula (2020), Gasera: Wika ay Laya (2020; E-Book), Gasera: Wika ay Laya (2021), at Reseko, Antolohiya ng mga ...