Unang Tanghal Panitik, Gaganapin sa Cab C!

 

 

 


Ang Samahang Lazaro Francisco (SLF) ay itinatag sa ating siyudad noong Hunyo 2019 upang magsilbing daluyan at sanayan ng mga nagnanais maging manunulat at mahasa ang kanilang panulat alinsunod sa namamayaning pambansang pamantayan ng Ortograpiyang Filipino. Pamamaraan ito ng samahan upang panatilihing buhay ang diwa ng pluma at musa ni Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan Lazaro Francisco. Kontribusyon din ito ng samahan para lalo pang mapalakas ang sining at panitikan dito sa ating lokalidad.

 

Mula 2019 ay ipinagmamalaki ng SLF na nakapaglunsad na ang samahan ng dalawang Gawad Lazaro Francisco, apat na Palihang Lazaro Francisco, at nakapaglimbag ng mga sumusunod na antolohiya ng mga malikhaing akda: SARO 1-3: Pampanitikang Diyornal ng Samahang Lazaro Francisco (2019), Solidagro: Anto sa Yugto ng Pandemiko (2020), Nostalgiya: Antolohiya ng mga Tula (2020), Gasera: Wika ay Laya (2020; E-Book), Gasera: Wika ay Laya (2021), at Reseko, Antolohiya ng mga Akdang Nagwagi sa Unang Gawad Lazaro Francisco at iba pang Akdang Bukid (2021).

 

Kaugnay po nito, aming iniimbitahan ang sinumang interesadong mag-aaral, pangunahin ang mga mag-aaral ng ITE na taga- Cabanatuan, ng MVGFC na dumalo sa kauna-unanahang “Tanghal Panitik” kung saan ay muling itatanghal sa publiko sipi ng mga nobela nina Pambansang Alagad sa Sining sa Panitikan Lazaro Francisco at F. Sionil Jose. Layunin ng aktibidad na (1) maipakilala sa kabataan ang akda ng dalawang Pilipinong nobelista, (2) mapataas ang kanilang kamulatang pampanitikan, (3) magkaroon ng ligtas na espasyo para sa malikhaing exposure, at (4) mahikayat ang mga kalahok na kumatha ng anumang klase ng malikhaing akda. Gaganapin ito sa Central Perk and Friends, # 12 Jimenez Streer, Kapitan Pepe, Cabanatuan City, Nueva Ecija sa ganap na 5:00 ng hapon. 

 
Ito ay libre sa publiko kasama na ang meryenda at tatanggap din ang mga kalahok ng sertipiko. Ang aktibidad ay mula sa pagtutulungan ng Cultural Center of the Philippines, De La Salle University, PLUMA, NEUST, at Samahang Lazaro Francisco. ###

Comments

Popular posts from this blog

GALLEGAN PROFESSOR WINS 3RD PRIZE IN PRESTIGIOUS PETER SOLIS NERY PRIZE FOR LITERATURE by Pauline Adordionicio